Gabay sa Pagtatanim ng Super Peanut - How To (Tagalog)
Gabay sa Pagtatanim ng Super Peanut
Uri ng Binhi
Klase Bilang ng Araw
ICGV 88480 120 araw
ICGV 88392 120 araw
ICGV 88406 120 araw
Lupang Taniman
Mainam na itanim ang mani sa mabuhaghag na lupa tulad ng loam, sandy, silty loam at sandy clay loam.
Panahon ng Pagtatanim
Mainam na itanim ang mani kahitna anong buwan sa buongtaon, ngunit, higit na marami ang aanihin kung sa panahon ng tagaraw (Oktubre-Enero) magtatanim.
Paghahanda ng pagtatanim
Araruhin at suyuriin ang lupa ng 2 beses. Maglagay ng mga tudling na 50 sntimetro ang pagitan.
Pag-iinokula sa Binhi
Gumamit ng Rhizobium strain sa pag-iinokula. Isang pakete (100 gramo) ay sapat na sa 50 kilogramong buto ng mani. Gumamit ng sapat ng lalagyan ng nabalatang buto para sa madaling paghahalo. Basain ang buto at ihalo ang tamang dami ng inokula. Paghaluing mabuti ang mga buto ng mani sa pag-iinokula. Huwag ibilad ang mga ito sa araw. Itanim kaagad ang mga buto pagkatapos mainokulahan.
Pagtatanim
Ang 100 kilogramo ng binhing buto ng mani na walang balat ay sapat na sa isang ektarya. Maglagay ng 1-2 buto bawat butas (hill) na may pagitang 20 sentimetro bawat butas. Maari ring ibudbod ang mga buto, 5-6 na buto sa bawat isang metro.
Paggamit ng Abono
Maaring maglagay o hindi ng pataba. Kung gagamit ng pataba sundin ang alinman sa mga susmusunod.
* Maglagay ng apat (4) na sakong abono (14-14-14) sa bawat ektaryang pagtatanim o, makalipas ang 14 na araw pagkatanim. Ibudbod ang pataba malapit sa halaman at tabunan ng mga 2-3 sentimetrong lupa.
* Maglagay ng kompost tulad ng binulok na dayami, damo o dumi ng manok(chicken manure) sa unang pagsusuyod upang maihalo itong mabuti sa lupa.
Pag-aalis ng Damo at Pagbubungkal
Dukalin nang mababaw ang pagitan ng mga tanim dalawang lingo pagkatubo at alisan ng damo.
Pagpapatubig
Sapat na ang limang beses na pagpapatubig sa buong panahon ng paglaki ng mga tanim:
Una
Bago Magtanim
Pangalawa
Dalawang linggo (2 weeks)
pagkangit ng
binhi sa taniman
Pangatlo
Kalagitnaan ng
pamumulaklak
Pangatlo
Panahon ng
paglalaman
Pangatlo
Panahon ng pagaani
Pangangalaga laban saPeste at Sakit
| | | | |
| A. Peste Damping-off | Brodan 31.5 EC Sevin 85 S Ascend 50 SC Seleron 50 EC Karate Benlate 50 WP Dithane M-45 Daconil 75 WP | 2.5 - 3.5 tbsp. 4.0 - 6.0 tbsp. 2.0 - 3.0 tbsp. 3.0 - 5.0 tbsp. 1.0 - 1.5 tbsp. 125 g/50 kg ng buto 4.0 - 6.0 tbsp. 4.0 - 6.0 tbsp. |
|
Pag-aani
Anihin ang mga mani sa sandaling ito ay gumulang na. Ilan sa mga palatandaan na maari nang anihin ang mga mani ay ang mga sumusunod:
a. Ang mga dahon ay unti-unting nalalagas, natutuyo at nananilaw.
b. Ang laman ay kulay kayumanggi at
k. Ang laman aty unti-unting naghihiwalay
Tingnan ang bilang ng araw na dapat anihin ang mani. Anihin sa pamamagitan ng pag-aararo sa pagitan ng mga tudling, sunod ang pagbunot sa tanim.
Pag-iipon at Pagbibilad
Ipunin ang mga nabunot na mani at ilagay sa isang malilim na lugar. Ihiwalay ang mga laman nito. Ibilad at paarawan sa loob ng 3 hanggang 5 araw.
Pag-iimbak
Ilagay sa sako. Isalansan sa isang lugar na nahahanginan at hindi nababasa.
Pagbebenta
Ang Mani ay maaring ibenta sa mga pamilihang bayan.
Source: Research Digest, Extension and Training, CLSU, Nueva Ecija








3 comments:
Balak ko mapatanim ng mani sa oct.naung taon 2017 sa probinsya magkano kya ang aabuting gastos sa kulang isang ektrayang lupa.andito ako sa manila at first time ko mgpatanim. Sana po mtulungan ninyo ako.
Complete po na guide line sa pagtatanim ng mani
naguluhan po ako sa sabi niyo na mainam magtanim sa tag araw pero ang naka parenthesis ay (October-enero) diba po tag ulan yun
Post a Comment