Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

SHRIMP KROEPECK

SHRIMP KROEPECK

MGA KAILANGAN SANGKAP:

2 tasang bigas (laon o luma)
½ tasang maliit na hipon o ulo ng hipon o tagunton
2 ½ kutsaritang asin
½ kutsaritang vetsin
food color (maaring wala)

MGA KASANGKAPANG KAILANGAN:

Gilingan ng mais
Lutuan
Pasingawan
Mixing bowls
Measuring spoon
Mga bandehado

PARAAN NG PAGGAWA

1. Ibabad ang bigas nang magdamag o sa mainit na tubig nang 20 minuto. Patuluing mabuti.
2. Gilingin ang bigas at hipon ng magkaroon ng mahipis na masa.
3. Idagdag ang asin at vetsin. Lagyan ng food coloring kung gusto. Haluing mabuti.
4. Ilipat ang manipis na masa (2-3 kutsara) sa isang kawaling pinahiran ng konting mantika.
5. Pasingawan ng 1-3 minuto hanggang ang timplada ay maging malinaw.
6. Hiwain sa tamang piraso (1" x 2" x 1/6").
7. Ilipat sa patuyuang bandehado at ibilad sa araw nang 6 na oras hanggang lumutong.
8. Itago sa malamig at tuyong lugar.

0 comments:

Your Ad Here
Web Hosting

  © OFW Pride 2009

Back to TOP